Bakit nga ba kailangan ng mga Pinoy ng Health Care Plan?


Bakit nga ba kailangan ng mga Pinoy ng Health Care Plan?

Ang pagiging malusog ay isa sa mga pangarap ng bawat Filipino. Ito ay katumbas sa isang pangarap dahil ito ang mag papatunay na marami tayong magagawa upang makamtan ang iba pang hinahangad sa buhay.

Sa bawat Birthday or mga pagsasalo-salo na pinupuntahan ng mga Filipino, karaniwan na nating naririnig ang mga wishes na "Sana humaba pa ang buhay," "Maging malakas pa sana ako," at "Madami ka pang makamtan sa buhay." Sa mga katagang ito nasa diwa natin ang pagiging malusog.

Ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain, pag ehersisyo, at pagkakaroon ng positibong mental health ay hindi lang sapat upang masabing malusog tayo dahil kailangan natin ng iba pang kasangkapan upang mapanatili natin ito.

Sa Pilipinas, ang nakaraang administrasyong Aquino ay nag balangkas ng tinatawag na Universal Health Care for All Filipinos. Layunin nito ay bigyan ng karampatang access ang bawat indibidwal na magkaroon ng sapat na health care at mababang bayad sa bawat medical procedure. Ngunit ito ay malayo pang masakatuparan dahil mahaba pa ang tatahakin ng ating bansa sa magandang layuning ito. Sa kasalukuyan, ito rin ang layunin ng administrasyong Duterte, ngunit hindi ito ang pokus ngayon at mas binabaan pa ang budget sa Health Sector.

Naalala nyo rin ba ang madalas nating nararanasan sa mga hospital? No downpayment no entry o di kaya kung walang pera sa pampublikong hospital tayo pupunta o mangungutang para lang magpagaling.

Kung lahat ng ito ay nasa isip mo or naranasan mo, siguro nga kailangan mong basahin ito bakit mo kailangan ng health care plan:

1. Ang Health Care Plan ay tulad ng Auto Insurance

Ang bawat sasakyan ay kailangan ng mga insurance upang proteksyon sa mga sasakay nito habang nasa daan. Ito ay nahahalintulad sa isang air bag sa loob ng sasakyan na naka-handa lagi na sasalo sa mga naka sakay nito pag nabangga. Ito rin ay halaga ng health care plan. Ang health care plan ay isa ring proteksyon na sasalo sa atin kapag tayo ay nakaranas ng mga sakit na hindi natin inaasahan. Katulad din ng auto insurance, ang health care plan ay napag iipunan rin sa loob ng ilang taon.


2. Ang Health Care Plan ay isang Confidence Builder

Sa ngayon tayo ay malakas pa at wala pang nararanasang mga karamdaman, ngunit darating sa punto sa ating buhay na kakaharapin natin ang malubhang sakit (cancer, heart attack, stroke diabetes) or di kaya mga di inaasahang aksidente.

Sa puntong dumating ang mga iyon, handa ba tayo sa kakaharaping bayad sa mga medical procedures? Sa iba, sa halip na kundisyon ng ating sarili or kamag anak ang iintindihin, ang unang pumapasok sa isip natin kung magkano lahat ng babayarin. Sapat ba ang maliit na savings for medical bills? Ito ang nag papakabagabag ng ating sarili-ang babayarin.

Ang health care plan ay isang confidence builder. Karamihan ng medical bills ay nasasalo ng coverage ng health care plan. Ito rin ang magbibigay ng payapa sa ating sarili dahil mas mapapadali ang procedure at alam natin na tama ang lahat ng gagawin. Maari ring mas mapa ikli ang pag stay sa ospital at mabilis ang pag galing. Hindi na rin tayo magtatanung ng iba pang options sa doctor.

3. Ang Health Care Plan ay ating Motibasyon upang maging Malusog

Ang health care plan ay nagbibigay ng daan upang mapabuti at mapanatili ang ating kalusugan. Ang bawat health care plan ay may mga koneksyon sa iba't ibang mga ospital, klinika, at iba pang mga health care provider at spesyalista. Ang kanilang koneksyon ay nagbibigay sa atin ng mga discounts at abot kayang mga konsultasyon, pag papa laboratoryo at iba pa. Mas maagapan agad ang mga malulubhang sakit kung sa una pa lang ay nakita o nalaman na natin ang mga bagay na kailangan natin gawin upang maiwasan ang mga sakit. Sa Ingles may sinasabi, "Prevention is better than cure."

4. Ang Health Care Plan ay isa ring Investment

Ang ibang Health Care Plan ay nagbibigay rin ng ibang option upang kumita ang ating investment. Sa Ingles, Diversification ang tawag sa ginagawa nilang paraan upang mapalago ang halaga ng ating health care plan. Habang hindi pa natin kailangan gamitin ang ito bawat taon, ito ay nai-iinvest  sa Stock Market, Mutual Funds, o Bonds. Sa time na nag retiro tayo mas malaki na ang halaga ng health care plan at kanyang coverage value.

Sa ibang bansa ito ang kanilang health care plan na hinango na rin ng ating bansa. Sa kalusukuyan, meron na ito sa ating bansa na tinatawag na Long Term Care.

Sa IMG, ang aming mga financial mentors ay humihikayat na maisabuhay namin ang lahat ng aming natutunan sa mga financial seminar na aming dinadaluhan. Isa rito ang pag papatatag sa aming Long Term Care. Sa IMG, meron kaming malakas na kasunduan at koneksyon sa Kaiser International Health Group. Nag iisang kumpanya sa Pilipinas na nag bibigay ng Long Term Care na eksklusibo lamang sa mga miyembro ng IMG.    

Sa ngayon, ang ibang kumpanya ay nagbibigay ng health care plan sa kanilang empleyado. Layunin ng mga kumpanya na ito ay maiwasan ang mga sick leave pays at mapatatag ang productivity at efficiency ng kumpanya. Ngunit ito ay isa lamang Short term dahil pag umalis tayo sa kumpanyang iyon ay mawawala na rin ang benepisyong ito.

Sa palagay mo ba sapat na ating ipon o Back Pay kapag na-ospital tayo?

Sa IMG, dito mo matutunan ang mga Financial Managment at tamang koncepto ng Investing. Kami ay tinuturuan na habang malakas pa lang tayo ay may sapat ng paghahanda para sa ating hinaharap.

Nawa'y itong mga puntong ito ay mabuksan ang ating isipan sa kalagahan ng Health Care Plan. Kung Nais mo pang matuto na ibat ibang mga kaalaman ng Financial Literacy? Wag mag atubiling tawagan kami.

Do you want to become a #wealthmissionary? Do you want to become financially free and help others become truly rich, too?

If so, feel free to reach out to us by clicking HERE.



Sources:


IMG Financial Literacy Education Program

"CompTIA Healthcare IT Technician." Healthcare IT Technician Certification. N.p., n.d. Web. 17 Oct. 2016.


"UHC TO ADDRESS INEQUITY IN THE HEALTH SYSTEM." Department of Health, n.d. Web. 17 Oct. 2016.


Ona, Enrique. "Universal Health Care in the Philippines Gains and Challenges." (n.d.): n. pag. Enrique T. Ona, MD, FPCS, FACS ( Hon.). Web. 17 Oct. 2016. <https://csis-prod.s3.amazonaws.com/s3fs-public/legacy_files/files/attachments/131112_EnriqueOna_PublicHealthinthePhilippines.pdf>.

Santos, Tiffany. "Health Insurance Essay - 375 Words." StudyMode. N.p., n.d. Web. 17 Oct. 2016. <http://www.studymode.com/essays/Health-Insurance-1709798.html>.

Dakis, RN, Alvin Cloyd. "Why the Country Needs Universal Health Care."Rappler. Rappler, 13 May 2013. Web. 17 Oct. 2016. <http://www.rappler.com/move-ph/27195-universal-health-care>.




 
Bakit nga ba kailangan ng mga Pinoy ng Health Care Plan? Bakit nga ba kailangan ng mga Pinoy ng Health Care Plan? Reviewed by G on 10:32:00 PM Rating: 5

No comments:

Theme images by enjoynz. Powered by Blogger.